Cha Jewels Logo

Cha Jewels Co., Ltd.

🔄 Trade Program
Pakibasa at i-acknowledge ang Trade Program Policy bago mag-proceed sa pag-trade ng iyong fully-paid layaway item.

📋 Trade Program Policy

🔄 Trade Program Policy

Cha Jewels Co., Ltd. ("Seller") at Customer ("Buyer")

Mangyaring basahin at unawain ang mga sumusunod na tuntunin ng Trade Program. Ang pag-avail ng trade ay nangangahulugang tinatanggap at sumasang-ayon ang Buyer sa lahat ng nakasaad dito.

Policy Overview

Ang Trade Program ay isang serbisyo ng Cha Jewels Co., Ltd. na nagpapahintulot sa mga existing customer na ipalit ang kanilang fully-paid layaway item sa isang bagong piraso na mas nagustuhan nila. Ito ay isang privilege na ibinibigay sa mga responsableng customer na nakatapos na ng kanilang layaway obligations.

Ang policy na ito ay konektado sa Cha Jewels Layaway Agreement. Available ang Trade Program sa lahat ng existing layaway customers — anuman ang kanilang original plan (3, 6, o 8-Months) — at walang minimum invoice requirement. Kung may difference na babayaran, ang applicable na layaway tier ay base sa halaga ng new piece (tingnan ang Section 3).


Section 1 — Eligibility

  1. Ang Trade Program ay available lamang sa mga customer na fully paid na ang layaway order (kompleto na ang lahat ng Downpayment at installments).
  2. Kailangang nasa custody pa ng Cha Jewels ang item — ibig sabihin, hindi pa naipadala, na-pickup, o nai-ship sa customer o sa kanilang pamilya.
  3. Kailangang nasa original, hindi binagong, sellable condition ang item.
  4. Ang engraved, resized, o customized na items ay HINDI eligible for trade.

Section 2 — Direction of Trade

  1. Ang trade ay applicable sa new piece na anumang value gusto ng customer — higher, equal, o lower than the original locked-in price.
  2. Kung ang new piece ay lower ang value kaysa sa original, ang excess amount ay magiging store credit at HINDI maaaring i-refund as cash sa anumang circumstance.

Section 3 — New Piece & Applicable Layaway Tier

Walang minimum invoice value requirement ang Trade Program. Available ito sa lahat ng existing layaway customers, anuman ang kanilang original plan (3, 6, o 8-Months).

  1. Ang customer ay maaaring mag-trade para sa new piece na anumang halaga — walang minimum requirement.
  2. Kung may difference na babayaran (tingnan ang Section 5), ang applicable na layaway tier ay base sa halaga ng new piece:
    • Kung below ¥300,000 ang new piece: ang difference ay maaaring bayaran via 3-Months o 6-Months Layaway (subject sa tier minimums — 6-Months requires ¥25,000 invoice).
    • Kung ¥300,000 pataas ang new piece: eligible para sa 8-Months Layaway, o maaari ring 3-Months / 6-Months kung mas gusto ng customer.
  3. Lahat ng bagong layaway na nabuo mula sa trade ay sumusunod sa Cha Jewels Layaway Agreement para sa naaangkop na tier.

Section 4 — Trade Value

  1. Ang original locked-in price ng customer ay ki-credit ng 100% (full price credit) sa new piece.
  2. Walang handling fee, walang gold-rate adjustment, at walang discount applied sa trade credit.

Section 5 — Payment of Difference

  1. Kung ang new piece ay mas mataas ang value kaysa sa original, babayaran ng customer ang difference.
  2. May dalawang payment options: (a) full payment sa time ng trade, o (b) through a new Layaway plan sa difference.
  3. Ang layaway tier para sa difference ay base sa halaga ng new piece (tingnan ang Section 3): below ¥300,000 ay 3-Months o 6-Months; ¥300,000 pataas ay maaaring 8-Months.

Section 6 — Store Credit Terms

  1. Ang store credit na issued under this program ay valid for 12 months from date of issue.
  2. Maaaring i-apply ang store credit sa anumang future purchase o gamitin as Deposit sa future Layaway.
  3. Ang store credit ay non-transferable sa ibang customer.
  4. Ang store credit ay HINDI redeemable for cash sa anumang circumstance.

Section 7 — Cancellation of Trade

Naaangkop kapag kinansela ang trade transaction o ang bagong layaway na nabuo mula sa trade.

  1. WALANG cash refund na ibibigay sa anumang circumstance kapag kinansela ang trade.
  2. Ang lahat ng succeeding payments (mga bayad pagkatapos ng inisyal na bayad) ay non-refundable.
  3. May karagdagang 30% deduction na ipapataw sa kabuuang halagang nabayaran bilang cancellation charge.
  4. Ang natitirang halaga pagkatapos ng 30% deduction ay iko-convert sa STORE CREDIT na valid for 12 months (ayon sa Section 6). Walang anumang halagang ibabalik bilang cash.

⚠️ Halimbawa ng Cancellation:

Total amount paid¥300,000
Cash refundNot available / Hindi
Cancellation deduction (30%)− ¥90,000
Store credit issued (valid 12 months)¥210,000

Section 8 — Trade Process

  1. Mag-message ang customer sa Cha Jewels via Messenger o sa Customer Portal para mag-express ng interest sa trade.
  2. I-co-confirm ng staff na fully paid na ang original layaway, nasa custody pa ang item, at sellable condition.
  3. Pumili ang customer ng new piece at i-cacalculate ang trade credit.
  4. Pipiliin ng customer ang payment method (full payment o new Layaway) at pipirma sa new contract. Ang bagong installment schedule ay makikita sa Customer Portal, at ang mga payment ay maaaring i-submit via Messenger o sa Customer Portal.
  5. Ang original item ay babalik sa Cha Jewels' inventory at the current gold rate; ang new item ay panghahawakan under the new contract until pickup or completion.

Section 9 — General Provisions

  1. Ang Trade Program ay isang privilege, hindi automatic right. Si Cha Jewels ay may karapatang tanggihan o limitahan ang trade requests base sa item condition, customer history, o iba pang dahilan.
  2. Si Cha Jewels Co., Ltd. ay may karapatang baguhin o i-update ang policy na ito anumang oras nang hindi nagbibigay ng paunang abiso. Ang pagbabago ay magkakaroon ng bisa sa sandaling mai-publish sa opisyal na platform.
  3. Para sa mga tuntunin ng layaway, sumangguni sa hiwalay na Cha Jewels Layaway Agreement.

📊 Mga Halimbawa ng Trade:

A — Higher-Value Trade (¥300,000+ → 8-Months)
Paid layaway item¥200,000
New piece¥300,000
Trade credit applied (100%)¥200,000
Outstanding balance¥100,000
Tier para sa difference8-Months eligible
B — Higher-Value Trade (below ¥300,000 → 3M / 6M)
Paid layaway item¥100,000
New piece¥180,000
Trade credit applied (100%)¥100,000
Outstanding balance¥80,000
Tier para sa difference3-Months / 6-Months
C — Lower-Value Trade (Store credit)
Paid layaway item¥500,000
New piece¥350,000
Trade credit applied (100%)¥500,000
Excess amount¥150,000
Cash refundNot available / Hindi
Store credit (valid 12 months)¥150,000

✍️ Pirma ng Customer

Gamitin ang mouse o daliri

🏢 Pirma ng Seller

Digitally signed by
Cha Jewels Co., Ltd.